Thursday, January 14, 2010

At long last...

At last I was able to visit my blog again. Grabe ang stress na dala ng pagbubuntis. You would want to sleep all the time. Lagi kang inaantok. Lagi ka ring puyat especially when I'm on my 8th month. My baby would not want to sleep. Lagi na lang siyang gumagalaw sa loob parang gustong gusto niya nang lumabas. Thank God I was able to normally deliver her. The only time I felt the pain and fear was when I was about to give birth. That may be less than an hour before the actual time of deivery. WALANG LABOR. Isang sipa lang niyang malakas at pagkatapos natakot na ako dahil baka may sumunod pang mas masakit. Buti na lang wala. *hahaha* Sa sobrang takot kong masaktan at mahirapan sa paglalabas sa kanya nagmamakaawa na ako sa doctor na inject-an ako ng painless para lang hindi ko maramdaman. Ang mabait ko namang doctor, hindi pumayag. Nakikita na daw kasi niya ang hair ni baby at pwede niya nang i-braid kaya no choice ako kung hindi umire kahit super sakit. And VOILA! Nailabas na si baby Kyla.

I named her after the famous anti-MILEY of Hannah Montana, Mikhaila, and the lovely lady in transformers. Cute hindi ba? *hehe* She weighs 7.12 lbs. after delivery and she's healthy, very healthy. Thank You Lord! She's quiet (sa NICU lang) pero pagdating sa bahay, she's super crybaby. Laging gustong nasusunod ang gusto at nagmamadali pa ha. *sigh* But I love her so much! I feel very blessed and I pray that God will continue to bless us. Again, mllions of thanks to Him.

No comments: